paano magmahal :: ayon kay bob ong

crap1

1. “Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”

2. “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”

3. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

4. “Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

5. “Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo

kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

6. “Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo..

Dapat lumandi ka din.”

7. “Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na

araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

8. “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi

pagkukusa.”

9. “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao

rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”

10. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka

naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

11. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa

mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo.

Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi,

pa-fall o paasa.”

12. “Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon,

mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha

dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totong mas mahalaga ang kalooban ng

tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan

nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.”

13. “Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay,

kasi hindi ikaw ang priority.”

14. “Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida

sa script na pinili nya.”

15. “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag

nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang

makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”

16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa

paggawa ng wala”

17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng

hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”

18. “Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin

ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo.

Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang

hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang

na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay!

Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi

ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari

sayo, kundi IKAW mismo!”

19. “Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na

pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at

iniwan ka na ng kasiyahan mo.”

20. “Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo.

Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”

Advertisements

8 thoughts on “paano magmahal :: ayon kay bob ong

    • hi pearl.. i suppose it’s from stainless longganisa cause i remember reading some of them there.. but them i’m not really sure.. the post was a compilation made by my friend, mae, which i thought of sharing on my blog since my friends and i are sort of bob ong fiends.. =D

  1. bob ong, in his bpyahoogroup, categorically denies na sa kanya ang mga love quotes na naglalabasan.

    sayang naman kung hindi sa “original” writers na credit ang mga quotes.

    anyway, you have a very nice blog.

    keep on writing!

    • hi hector olympus!

      yeah.. sad nga yun if the “original” authors won’t be credited.. in law, facts are not copyrightable; however a compilation of facts are.. the person who did write those quotes is missing a lot.. =D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s